underbeltfish ([info]underbeltfish) wrote,
@ 2008-03-26 04:52:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
Ah! Politika.

Maihahambing sa pagdumi ng mamasa-masang ebak ang pakiramdam ni Eufemio sa tuwing ang usapan ay politika. Ang pakiramdam na ito ay tumatagal ng mangilan-ngilang oras din kaya madalas ay binabago niya ang usapan.

Hindi nya maintindihan ang sarili ngunit tanging ang kadiring tae ang pumapasok sa kanyang isipan sa twing nangyayari.

Kahit ang mga estambayan sa kanto ay napansin ito dahil parang nagpumiglas na kitikiti paalis ng tambayan si Eufemio nung minsan pumasok sa kwentuhan ang mga presidente ng Pilipinas. Sa simula ay namula muna ang kanyang mukha nung binaggit ang pangalang Ramos at Erap. Hindi na nya napigil ang pakiramdam kaya minarapat nyang baguhin agad ang laman ng usapan.

"Lovelife na lang pag-usapan nyo," Reklamo pa nya.

Ngunit nang nagpatuloy pa rin ang tila nagkukunwaring may-alam sa politika na barkada nya ay tiniis na lamang ito. Nung nakarating na ang usapan kay Gloria ay nakiusap na itong si Eufemio kung sino ang may tissue. Sapagkat hindi nya namalayang lumabas ang malatubig na tae dahil sa kakatiis ng ilang minuto.

Biruin mo ba namang muntik mabalutan ng tension sa loob ng terminal ng jeep nang nagkaroon ng malayong agwat ang pila dahil naglayuan ang mga nasa likuran nya. Lahat ng mga yun ay nakatakip sa kani-kanilang ilong gawa ni Eufemio.


Hindi malinaw sa loob-loob ni Eufemio kung bakit ganun nga ang kanyang nararamdaman sa twing napag-uusapan ang politika. Humantong nga ito minsan sa pangyayari na ikinagulat rin ng mga nakakilala sa kanya.
Isang gabi nang dumalaw si Eufemio sa kanyang irog sapagkat ito'y sa kabilang kanto lang, sa harap ng bahay ay nagkwentuhan nga sila at nagtawanan. Masayang-masaya ang dalawa sa kanilang pagbubulungan, larawan ng dalawang nagmamahalan ng wagas. Binibili ng kanyang iniibig ang kanyang pagpapatawa kahit pa pang-ilang ulit na nyang kinuwento. At nakakabilib parin para sa dalaga ang mga pamatay nyang magic na tila ang limang taong gulang na bata ay hindi na maloko-loko. Humaba ng humaba ang kwentuhan at naabutan sila ng ama at may kasamang alalay.

Ginulat ng malakas na "Hoy!" ng ama ang dalawa na sabay nagbitawan ng kanilang mga kamay.

"Aba! aba! aba! Bakit gising pa kayo?" Tanong nito sa dalwang nagpakabait.

"Tay, sabado po ngayon." Pangatwiran ng dalaga.

"Hoy! hoy! hoy! Tinatanong ko ba kung anong araw ngayon?" Sagut naman ng ama na patanong.

"Tay, amoy alak kayo." Pagpuna naman ng dalaga.

"Teka! teka! teka! Dyan lang kayo ha." Pumasok sa loob ang ama ng dalaga na tila may kukunin.

"May mangyayari. Puta! may mangyayari sa akin. Kung hindi ako mabubugbog, mamamatay ako."   Bulong ni Eufemio sa sarili habang tahimik na nakikiramdam sa mangyayari.

Hindi inabot ng minuto at bumalik agad ang tatay na may dala-dala. Totoo nga na may mangyayari. Malas lang
ni Eufemio dahil ang ama ng dalaga ay ubod ng tapang sa kanilang bayan. Sa katunayan, ito'y pinuno ng mga
ralihista. Makikita sa suot-suot na damit nito na may malaking tatak sa harapan na OUST GLORIA.

"Tay, hwag." Daing ng dalaga.

Ngunit kahit pa pinigilan ng dalaga ang ama ay nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa. Inilabas nito ang

nakaipit sa pinto na natutuping mesa at itinayo sa kanilang harapan.

"Ayan na." Inilagay ng ama ang Matador at tumagay.

"Ahhh.." paglasap nito sa inumin at nagpatuloy sa pagtatanong.

"Bakit nga gising pa kayo ha?....

"Pero di bale, sige samahan nyo na lang ako dahil kulang ang nainum ko kina pare.
Alam nyo ba kung bakit kami nag-inuman dun?" Muling tanong ng ama na hindi nanghihingi ng sagot.

"Anak, bagaman hindi pa kami nagtagumpay sa aming layunin, naisagawa naman namin ng matiwasay ang
pagpuprotesta." Sabi ng ama.


Walang maisip na maisagot ang anak para magpatuloy sa pagkukwento ang ama ng ganun ay hindi maibaling kay
Eufemio ang pansin. Ang ginawa na lang nito ay tinagayan ang ama ay inabot. Akalain ba namang dinagdagan ng
laman hanggang magkalahati at inabot din ng ama kay Eufemio ang baso sabay alok.

"Uminum ka." Itinaas ng ama ang baso at sinabing, "Para yan sa matagumpay na pagpapatalsik sa namumuno sa

ating bansa."

Maliban sa ngiting hilaw, walang imik parin ang dalawa sa mga sinasabi ng ama. Kaya minabuti nitong
kinuwento ang kanyang ginawa sa mga pulis na humaharang sa kanilang pakikibaka sa lansangan. Keso hindi
naintindihan ng mga pulis na ito ang kanilang ginagawa at tila sinusuportahan pa nila ang mga tiwali.

"Ano pa ba ang prowebang hinahanap nila, hindi pa ba sapat ang "Hello Gardoque" para paalisin yang Gloria

na yan?" Reklamo ng ama.

"Yang FG na yan, kala nya siguro hindi alam ng karamihan na smuggler sya." Dagdag pa nito. "Ngayong Mayo

uno, abangan mo. Ano nga ang pangalan mo hijo?"   Tanong kay Eufemio.

"Miong po." Sagot ni Eufemio.

"Talagang dapat magkakarun ng EDSA III para sa pagbabago ng Pilipinas." Pagpatuloy ng ama sa kanyang
nalalaman. "Yung ZTE Scandal na yan, grabe kung makakurakot ang gobyierno natin. Tingnan mo, hijo. Lilitaw
ba yan si Lozada kung hindi totoo yang sinasabi nya, di ba pare?


"Sheyt, naloko na!" Sa loob-loob ni Eufemio. Sa kagustuhan ni Eufemio na matapos na ang usapan sa politika
dahil nakakaasar na.

"Hayaan na lang natin sila, Nong. Dapat nyan wala ng dahidahilan pa ay Gusto lang natin. Kasi kahit maubus
man natin lahat ng dahilan sa masalimuot na Pilipinas, hindi rin talaga aalis si Glo. At ang bawat Pilipino o
bawat gungong na may masalimuot na buhay gaya ko sa bayang minahal natin ay malamang o talagang kagaya
nya. Dahil? Ewan ko lang -- Alam nyo na po yan."

"Ewan ko lang. Basta. Gusto ko sya. Gusto ko magulo ang Pilipinas, total gusto rin naman natin na sikat
tayo sa buong mundo. Dapat siguro lubos-lubusin ng mga Pilipino ang pagkakataon sapagkat," Huminga muna
sya at hinanda ang sarili sa pinakapunto ng kanyang kanyang pagbibigay opinyon.

"Heto ang pinakadakilang dahilan, dapat lubus-lubusin ng Pilipino ang pagkakataon bago maging gasgas ang ideya."




Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…