Home

Advertisement

Customize
underbeltfish
17 May 2008 @ 05:35 am

The date: May 3, 1978. The culprit: Gary Thuerk, a marketer for the old Digital Equipment Corporation. His crime: Sending a sales e-mail to 393 users on Arpanet (then a U.S. government computer network and the predecessor of today's Internet). Little did Thuerk know that he'd just become the world's first spammer.

That first piece of junk e-mail (which wasn't called "spam" until about 15 years later) has been memorialized over at Brad Templeton's Web site (Templeton is a Net pioneer, the creator of the legendary rec.humor.funny Usenet group, and chairman of the Eletronic Frontier Foundation), along with a thread of outraged replies.

So, without further ado, here you go—the world's first spam (presented in its original all-caps format):

Mail-from: DEC-MARLBORO rcvd at 3-May-78 0955-PDT
Date: 1 May 1978 1233-EDT
From: THUERK at DEC-MARLBORO
Subject: ADRIAN@SRI-KL

DIGITAL WILL BE GIVING A PRODUCT PRESENTATION OF THE NEWEST MEMBERS OF THE DECSYSTEM-20 FAMILY; THE DECSYSTEM-2020, 2020T, 2060, AND 2060T. THE DECSYSTEM-20 FAMILY OF COMPUTERS HAS EVOLVED FROM THE TENEX OPERATING SYSTEM AND THE DECSYSTEM-10 COMPUTER ARCHITECTURE. BOTH THE DECSYSTEM-2060T AND 2020T OFFER FULL ARPANET SUPPORT UNDER THE TOPS-20 OPERATING SYSTEM. THE DECSYSTEM-2060 IS AN UPWARD EXTENSION OF THE CURRENT DECSYSTEM 2040 AND 2050 FAMILY. THE DECSYSTEM-2020 IS A NEW LOW END MEMBER OF THE DECSYSTEM-20 FAMILY AND FULLY SOFTWARE COMPATIBLE WITH ALL OF THE OTHER DECSYSTEM-20 MODELS.

WE INVITE YOU TO COME SEE THE 2020 AND HEAR ABOUT THE DECSYSTEM-20 FAMILY AT THE TWO PRODUCT PRESENTATIONS WE WILL BE GIVING IN CALIFORNIA THIS MONTH. THE LOCATIONS WILL BE:

TUESDAY, MAY 9, 1978 - 2 PM
HYATT HOUSE (NEAR THE L.A. AIRPORT)
LOS ANGELES, CA

THURSDAY, MAY 11, 1978 - 2 PM
DUNFEY'S ROYAL COACH
SAN MATEO, CA
(4 MILES SOUTH OF S.F. AIRPORT AT BAYSHORE, RT 101 AND RT 92)

A 2020 WILL BE THERE FOR YOU TO VIEW. ALSO TERMINALS ON-LINE TO OTHER DECSYSTEM-20 SYSTEMS THROUGH THE ARPANET. IF YOU ARE UNABLE TO ATTEND, PLEASE FEEL FREE TO CONTACT THE NEAREST DEC OFFICE FOR MORE INFORMATION ABOUT THE EXCITING DECSYSTEM-20 FAMILY.

Thuerk's message was first greeted by a stern reprimand from one Major Raymond Czahor, chief administrator of Arpanet, followed by a long discussion thread as Arpanet users—many of whom were wary of censorship on their messaging network—mulled the impact of this first piece of junk e-mail:

"I don't see any place for advertising on the ARPAnet," user Mark Crispin wrote at the time. "Certainly not the bulk advertising of that DEC message. From the address list, it seems clear to me that the people it was sent to were the Californians listed in the last ARPAnet directory. This was a clear and flagrant abuse of the directory! I am not sure as to how far this should be carried though."

For the record, the pioneering spammer told the Wall Street Journal that his ground-breaking e-mail worked, drawing scores of leads and about $12 million in tech sales. Thuerk says he never spammed again, and he reportedly does promos for spam-fighting companies, but he's not spending any time blaming himself for the current spam epidemic. "If the airline loses your luggage do you blame the Wright brothers?" he told the Journal. I'm not sure I get the logic there, but...whatever.

Check out New Scientist Tech for an exhaustive story summarizing the history of spam and the top techniques used by spammers, including "botnets," "zombie" computers, and "word salad"—the odd literary excerpts that spammers use to fool junk mail filters.



In the meantime...happy birthday, spam. You're looking younger every day. Sorry in advance for skipping the party.

 

source link

 
 
underbeltfish
26 March 2008 @ 04:52 am

Maihahambing sa pagdumi ng mamasa-masang ebak ang pakiramdam ni Eufemio sa tuwing ang usapan ay politika. Ang pakiramdam na ito ay tumatagal ng mangilan-ngilang oras din kaya madalas ay binabago niya ang usapan.

Hindi nya maintindihan ang sarili ngunit tanging ang kadiring tae ang pumapasok sa kanyang isipan sa twing nangyayari.

Kahit ang mga estambayan sa kanto ay napansin ito dahil parang nagpumiglas na kitikiti paalis ng tambayan si Eufemio nung minsan pumasok sa kwentuhan ang mga presidente ng Pilipinas. Sa simula ay namula muna ang kanyang mukha nung binaggit ang pangalang Ramos at Erap. Hindi na nya napigil ang pakiramdam kaya minarapat nyang baguhin agad ang laman ng usapan.

"Lovelife na lang pag-usapan nyo," Reklamo pa nya.

Ngunit nang nagpatuloy pa rin ang tila nagkukunwaring may-alam sa politika na barkada nya ay tiniis na lamang ito. Nung nakarating na ang usapan kay Gloria ay nakiusap na itong si Eufemio kung sino ang may tissue. Sapagkat hindi nya namalayang lumabas ang malatubig na tae dahil sa kakatiis ng ilang minuto.

Biruin mo ba namang muntik mabalutan ng tension sa loob ng terminal ng jeep nang nagkaroon ng malayong agwat ang pila dahil naglayuan ang mga nasa likuran nya. Lahat ng mga yun ay nakatakip sa kani-kanilang ilong gawa ni Eufemio.


Hindi malinaw sa loob-loob ni Eufemio kung bakit ganun nga ang kanyang nararamdaman sa twing napag-uusapan ang politika. Humantong nga ito minsan sa pangyayari na ikinagulat rin ng mga nakakilala sa kanya.
Isang gabi nang dumalaw si Eufemio sa kanyang irog sapagkat ito'y sa kabilang kanto lang, sa harap ng bahay ay nagkwentuhan nga sila at nagtawanan. Masayang-masaya ang dalawa sa kanilang pagbubulungan, larawan ng dalawang nagmamahalan ng wagas. Binibili ng kanyang iniibig ang kanyang pagpapatawa kahit pa pang-ilang ulit na nyang kinuwento. At nakakabilib parin para sa dalaga ang mga pamatay nyang magic na tila ang limang taong gulang na bata ay hindi na maloko-loko. Humaba ng humaba ang kwentuhan at naabutan sila ng ama at may kasamang alalay.

Ginulat ng malakas na "Hoy!" ng ama ang dalawa na sabay nagbitawan ng kanilang mga kamay.

"Aba! aba! aba! Bakit gising pa kayo?" Tanong nito sa dalwang nagpakabait.

"Tay, sabado po ngayon." Pangatwiran ng dalaga.

"Hoy! hoy! hoy! Tinatanong ko ba kung anong araw ngayon?" Sagut naman ng ama na patanong.

"Tay, amoy alak kayo." Pagpuna naman ng dalaga.

"Teka! teka! teka! Dyan lang kayo ha." Pumasok sa loob ang ama ng dalaga na tila may kukunin.

"May mangyayari. Puta! may mangyayari sa akin. Kung hindi ako mabubugbog, mamamatay ako."   Bulong ni Eufemio sa sarili habang tahimik na nakikiramdam sa mangyayari.

Hindi inabot ng minuto at bumalik agad ang tatay na may dala-dala. Totoo nga na may mangyayari. Malas lang
ni Eufemio dahil ang ama ng dalaga ay ubod ng tapang sa kanilang bayan. Sa katunayan, ito'y pinuno ng mga
ralihista. Makikita sa suot-suot na damit nito na may malaking tatak sa harapan na OUST GLORIA.

"Tay, hwag." Daing ng dalaga.

Ngunit kahit pa pinigilan ng dalaga ang ama ay nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa. Inilabas nito ang

nakaipit sa pinto na natutuping mesa at itinayo sa kanilang harapan.

"Ayan na." Inilagay ng ama ang Matador at tumagay.

"Ahhh.." paglasap nito sa inumin at nagpatuloy sa pagtatanong.

"Bakit nga gising pa kayo ha?....

"Pero di bale, sige samahan nyo na lang ako dahil kulang ang nainum ko kina pare.
Alam nyo ba kung bakit kami nag-inuman dun?" Muling tanong ng ama na hindi nanghihingi ng sagot.

"Anak, bagaman hindi pa kami nagtagumpay sa aming layunin, naisagawa naman namin ng matiwasay ang
pagpuprotesta." Sabi ng ama.


Walang maisip na maisagot ang anak para magpatuloy sa pagkukwento ang ama ng ganun ay hindi maibaling kay
Eufemio ang pansin. Ang ginawa na lang nito ay tinagayan ang ama ay inabot. Akalain ba namang dinagdagan ng
laman hanggang magkalahati at inabot din ng ama kay Eufemio ang baso sabay alok.

"Uminum ka." Itinaas ng ama ang baso at sinabing, "Para yan sa matagumpay na pagpapatalsik sa namumuno sa

ating bansa."

Maliban sa ngiting hilaw, walang imik parin ang dalawa sa mga sinasabi ng ama. Kaya minabuti nitong
kinuwento ang kanyang ginawa sa mga pulis na humaharang sa kanilang pakikibaka sa lansangan. Keso hindi
naintindihan ng mga pulis na ito ang kanilang ginagawa at tila sinusuportahan pa nila ang mga tiwali.

"Ano pa ba ang prowebang hinahanap nila, hindi pa ba sapat ang "Hello Gardoque" para paalisin yang Gloria

na yan?" Reklamo ng ama.

"Yang FG na yan, kala nya siguro hindi alam ng karamihan na smuggler sya." Dagdag pa nito. "Ngayong Mayo

uno, abangan mo. Ano nga ang pangalan mo hijo?"   Tanong kay Eufemio.

"Miong po." Sagot ni Eufemio.

"Talagang dapat magkakarun ng EDSA III para sa pagbabago ng Pilipinas." Pagpatuloy ng ama sa kanyang
nalalaman. "Yung ZTE Scandal na yan, grabe kung makakurakot ang gobyierno natin. Tingnan mo, hijo. Lilitaw
ba yan si Lozada kung hindi totoo yang sinasabi nya, di ba pare?


"Sheyt, naloko na!" Sa loob-loob ni Eufemio. Sa kagustuhan ni Eufemio na matapos na ang usapan sa politika
dahil nakakaasar na.

"Hayaan na lang natin sila, Nong. Dapat nyan wala ng dahidahilan pa ay Gusto lang natin. Kasi kahit maubus
man natin lahat ng dahilan sa masalimuot na Pilipinas, hindi rin talaga aalis si Glo. At ang bawat Pilipino o
bawat gungong na may masalimuot na buhay gaya ko sa bayang minahal natin ay malamang o talagang kagaya
nya. Dahil? Ewan ko lang -- Alam nyo na po yan."

"Ewan ko lang. Basta. Gusto ko sya. Gusto ko magulo ang Pilipinas, total gusto rin naman natin na sikat
tayo sa buong mundo. Dapat siguro lubos-lubusin ng mga Pilipino ang pagkakataon sapagkat," Huminga muna
sya at hinanda ang sarili sa pinakapunto ng kanyang kanyang pagbibigay opinyon.

"Heto ang pinakadakilang dahilan, dapat lubus-lubusin ng Pilipino ang pagkakataon bago maging gasgas ang ideya."

 
 
underbeltfish
17 March 2008 @ 01:48 pm



I ain't ChineseI ain't Chinese
I ain't ChineseI ain't Chinese
 
 
underbeltfish
29 December 2007 @ 09:18 am



Habang may buhay ay may pag-asa, ito ang paniniwala ng karamihan sa atin. Ngunit para kay Eufemio Kagatlabi, ang kasabihang ito ay mapapatunayan nyang kalokohan lamang.


Huli na ang kalokohang ito para paniwalaan, huli na ang lahat dahil sya ay nasa bingit na ng kamatayan nang ito'y kanyang naliwanagan. At kung maibabalik nya lang ang panahon hindi na sana sya sumubok na maniwala sa kasabihan ito.


Natuklasan ni Eufemio na kalokohan ang maniwala sa kasabihang ito habang sya ay tulala sa ibabaw ng isang malaki at matayog na karatula sa EDSA. Nakamasid sya sa mga usesero at sasakyan sa EDSA na nagmistulang mga langgam na naggigitgitan. 


Sa pagnanais nya na mapansin rin gaya nung taong balak magpakamatay dati ngunit dahil pinangakuan ng tulong ng isang ahensya ng gobyerno ay di na ito tumalon at nagkaroon pa ng pag-asa sa buhay.


Ngunit kabaliktaran ang nangyari kay Eufemio Kagatlabi dahil mga tanod lamang at mga tambay sa halip na mga taong makapangyarihan ang sumaklolo sa kanya. Naghintay sya ng mahigit tatlong oras sa tuktok ng karatula kahit pinabababa sya ng marami para hwag nang humantong sa sakuna.


"Bumaba ka na dyan utoy!", Sabi ng batanggenyong tanod at nagpatuloy sa paliwanag nito, "baka mahulog ka dyaan, matutulongan ka namin sa problema mo utoy, sabihin mo lang".


Sa narinig nyang ito ay napaisip na si Eufemio sa mangyayari at sa loob-loob nya, aba! eto na ang kasagutan ng mga problema ko baka may katungkulan sa gobyerno itong taong ito. Hindi muna ako bababa hangga't hindi maliwanag ang ipapangako sa akin. Ang kailangan lang ay hindi dapat magmula sa akin at sila mismo ang mag-alok. Kaya hindi nya muna kinagat ang sinabi nito baka mahalata na wala talaga syang planong tumalon kaya gusto niya munang malaman ang tulong na maibibigay sa kanya.


"Wala akong paki-alam, tumabi kayo dyan kundi tatalon ako." Sumagot si Eufemio na may pananakot.


Dahil sa nga sagot nya, nagmarunong naman ang isang tanod na si Kuya Toto dahil minsan daw ay nakaranas na syang sumagip ng buhay ng isang nais magpakamatay. Kaya naman hiningi nito ang megaphone sa batanggenyong tanod at nagsalita.


"Anong pangalan mo utoy? Pera ba?" Tanong nito. "Mabibigyan kita, bumaba ka lang dyan. Hindi ka namin matutulungan kung nandyan ka sa taas."  Sabay nagyabang si Kuya Toto sa mga kasamahan, "Ganyan makipag-usap sa taong gustong magpakamatay pare."


Gusto sana ni Eufemio na maniwala sa mga ito, ngunit nagdududa sya dahil nagbubulungan ang mga ito sa baba at wala pang binaggit na tulong ang mga ito kundi pera. Hindi lang kasi pera ang hinahangad ni Eufemio kundi maganda at marangal na trabaho.


"Utoy po!" Sigaw ni Eufemio. "Utoy po ang pangalan ko."


"Kita mo na pare?" Pagmamayabang ni Kuya Toto sa kasamahan sa baba. "Dahil sumagot si Utoy sa tanong ko, magkakaroon na ng resulta ang usapang ito."


Hawak-hawak ni Kuya Toto ang megephone at nagsalita na tipong dalubhasa sa ganitong gawain.


"Utoy, anong kelangan mo para bumaba ka dyan?" Tanong uli ni Kuya Toto.


"Wala! Wala akong kailangan, gusto ko lang magpakamatay dahil sa kahirapan! Kung gusto mong makatulong, pabayaan nyo na ako." Sigaw ni Eufemio.


Nagpasya ng tumawag ng pulis at bombero ang mga tanod dahil sa katigasan ng ulo ni Eufemio. Marami ang nangyari sa tatlong oras na paghihitay ni Eufemio sa Otoridad,  isa na rito ang pakikialam ng mga istambay at mga traysikel drayber. Habang nagsisigawan ang lahat na bumaba na sya, iba naman ang ginagawa ng mga drayber sapagka't tila nagpupustahan ang mga ito sa kahihinatnan.


Isang tao ang simigaw na nakababahala para kay Eufemio dahil minura sya ng mga ito. Sunod-sunod ang sigaw na tila may pagbabanta at tumatawa ang mga ito. Sa una ay tila pabiro pa ito ngunit kinalaunan ay seryoso na.


"Putang ina mo, bumaba ka dyan matatalo ako sa yo eh!!"  Sigaw ni Tonyo na drayber ng traysikel.
Dahil wala ang mga tanod, biglang may nagkaron ng interes at sumali sa pustahan. Pagkaraan ng ilang minutong pakikipag-usap sa isa pang istambay na tinatawag nilang si Ambo, nahimok itong pumusta na tatalon si Utoy sa halagang  bente pesos. Samakatuwid, sumigaw naman ito na tumalon na nga si Eufemio.


"Tatalon yan pare, kita mo naman ang sagot kanina." Pagtiyak ni Ambo sa kapustahang si Tonyo.


Hindi pa rin dumating ang mga pulis at mga bombero para magmatyag sa kinikilos ni Eufemio. Dumagdag pa sa kaguluhan si Maning na isang lasenggo sa kanto ngunit bago ito sumali sa pustahan ay kumuha muna ito ng megaphone sa kanila at kinausap si Eufemio.


"Hoy, Utoy. Tumalon ka na ngayon bago dumating ang mga pulis, babarilin ka ng mga yon" Sabi ni  Lasenggong Maning. "Magagalit sayo ang mga yon, umakyat-akyat ka dyan tapos hindi ka tatalon, naku! Mapipikon sayo ang mga yon."


Pagkatapos ng sinabi ni Maning ay nagpustahan naman ang mga istambay na nakamasid sa ipinakitang pagkabalisa ni Eufemio. Kaya naman pumusta ang ibang istambay na tatalon sya. At ang iba naman na nag-aalaala sa kahihinatnan ay sinaway ang mga istambay at drayber sa kanilang pagpupustahan. Ngunit hindi pa man natapos sa pagsaway sa kanila ng ibang mamamayan ay sumigaw na naman itong si Maning kaya nagkaruon ng pagtatalo sa lahat ng nasa baba.


"Hoy Utoy, Kung hindi ka tatalon dyan papatayin kita!"  Hiyaw ni Maning.


"Hoy Maning! Tumigil ka dyan! Kung may mangyari sa batang yan, ikaw ang ipapakulong namin! Sabi ng isang Ale na nagtitinda ng sigarilyo sa kanto.


"Tita, walang ibang sisisihin dyan kundi sarili nya dahil umakyat sya dyan." Pangatwiran ni Maning.


"Eh para mo na ring itinulak ang batang yan kung tatalon yan."


Nagpatuloy sa pagpalitan ng mga katuwiran ang mga usesero at lumalaki na rin ang mga ipinusta ng mga ito. Ang isa sa drayber ay pinusta na ang kanyang traysikel, kaya walang nagawa si Eufemio kundi timbangin ang dumagdag na tensyon. Hindi na alam ni Eufemio kung ano ang gagawin dahil kung titimbangin, meron talagang matatalo sa sugal. Kung tatalon sya, patay sya pagbagsak nya. At kung hindi naman sya tatalon, papatayin sya ng mga ito dahil matatalo.


 

 
 
Current Mood: crazy
 
 
underbeltfish
03 November 2007 @ 02:47 pm
Magandang Araw sa Inyong Lahat,

Ang ebidensya, konklusyon at paliwanag ay isinalang upang timbangin ang bigat ng argumentong ito sa pamamagitan ng imbestigasyon. Ang buong dokumentong ito ay bunga ng mahigit isang taon na masugid na pag-aaral, pagsasaliksik, pagtiyak sa katotohanan at sa mga makatuwirang pahayag.

Ang mga pangyayari at petsa na binanggit rito ay totoo at mahigit isang daang [100] detalyeng ihinayag na muli ay gusto kong inyo rin gawing basehan upang kayo mismo ang makapagpatunay. Maraming patunay nito ay mababasa sa pamamagitan ng libro sa kasaysayan ng Pilipinas at sa ng mga 'links' rito. Ngunit mga kababayan ko, dahil sa pagsisikap ng mga kaduda-duda upang hindi malathala ang mga patotoong ito, ang iba sa mga links na ito ay kataka-taka at biglaang naglalaho ng isa-isa.

Mabuti na lang sapagkat ang mga nasulat at links na iyon ay makikita pa rin sa ibang edisyon na 'websites' at sa ibang media organisasyon sa buong mundo upang makapagbibigay sa ating lahat ng kaalaman tungkol sa mga bagay na minsang itinago sa atin. Hindi kailangan maging matalino upang malaman dahil konting usisa lang, ikaw ay pwede maging IMBESTIGADOR.

Ang mga nasusulat rito ay hindi ko sariling opinyon kundi mga nalikum na ebidensya at pangyayari na kung pagtugma-tugmain ay makapagbibigay ng konklusyon patungkol sa pangyayari. Sa pinagsama-samang pag-aaral at sa pamamagitan ng masinop na pagsaliksik upang matiyak ang katotohanan ng impormasyon, sinikap ko na alisin ang alinmang hindi totoo na diskusyon at impormasyon na hindi malayang makapagbibigay ng maliwanag na pahayag.

Ang bawat kwento, sabi-sabi at pangyayari na inisa-isa ay maaring hindi makapagpapaliwanag ng ating isipan ngunit kung ipagsamasama ang sandamakmak na impormasyon ay ihahatid tayo sa katotohanan na kahit ang pinakabobo ay makakaintindi. Ngunit mangilan-ngilan sa atin mismo ay mas maniniwala sa KUNG ANONG MGA BINALITA SA TV, sa mga eksperto at sa autoridad. Di-gawi nababaguhan na mag-isip ng sarili kaya ang katotohanan ay nawawalan ng halaga upang mabago pa ang kanilang pag-iisip. Bagkus tatalikod sila sa katotohanan at itatanggi ang nasaksihan dahil na rin sa hindi matanggap na katotohanan. Sila ang mga taong ang isip ay nagsarado at sunud-sunuran laang gaya ng mga karaniwang tao na makikita sa sosyiedad at mangilan-ngilan sa kanila ay may mataas na pinag-aralan. Sa lahat ng oras, sila ay may takot na baka hindi tugma sa panlasa ng masa ang kanilang pag-iisip. Hindi nila pinagsisikapan baguhin ang maling paniniwala kahit alam nila ang katotohanan.

Ang makibagay sa masa ay kailangan. Para sa marami sa atin, ang opinyon ay walang halaga kung hindi ito sinusuportahan ng karamihan. Ang pagsusuportahan sa isa't isa ay totoong kailangan natin at sa pamamagitan nga nito ang sosyiedad ay nabuo. Gayon man, ang pag-kakaisang ito ay maaring huwarin sa kasamaan at sa pansariling kapakinabangan.

Ang ating pakikiisa sa sosyiedad at sa pagsunod sa karaniwang opinyon ng masa ay kadalasan naging dahilan rin natin sa pagpasya at paghatol ng hindi makatuwiran. Ang PAG-AARAL na ito ay posibli rin na walang halaga sa inyo dahil sa pagsunod sa masa. Ngunit pagsisikapan ko na buksan ang saradong pag-iisip at pakawalan sa inyong pagbubulag-bulagan kahit ito'y hindi madali. Mahirap makipagsabayan sa balita sa telebisyon na nagpapaniwala sa masa at sa inyo ng HINDI TOTOO. Ganun pa man, ako at sana ang iba sa atin ay sumubok na maghayag at ibuko upang mailapag natin katotohanan sa publiko.

Ang iba na napakakonti sa atin ay may lakas ng loob at kakayahan tanggalin and piring sa mata upang tanggapin ang katotohanan na nakita sa pamamagitan ng pagbasa ng dokumentong ito. Sa lahat ng may bukas na pag-iisip at sa inyong lahat, sana ay maihayag ko ng maliwanag sa inyo ng buo. Nais kong ipakita sa inyo ang resulta ng imbestigasyon at ebidensya ng Hello Garci Tape, Ang Katotohanan ng Pang-aagaw ni Gloria ng Kapangyarihan, Ang kay Pampanga Governor Eddie Panlilio tungkol sa panunuhol, pambobomba sa Glorieta at ang iba't ibang planadong kaguluhan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Totoong serbisyo publiko po ito para sa aking mga kababayang Filipino, inihahandog ko sa inyo ang resulta ng pag-aaral sa pag-asang magising ang lahat.


Kadiri ang balat nya ano poh? Aba gusto pa ata ng kiss nito ah




Gaya ng karamihan sa atin, ako;y kinilabutan, nagitla at nalungkot sa akin napanuod noong ika - 19 ng Oktubre sa telebisyon. Ang makasaksi sa bombahan ay talagang isa sa nakakabahalang pangyayari na nakaka-trauma.
Ang basahin lang ang Sulat ni Carlo Cruz ay nakakalungkot na. Pero ang masaksihan ang pagkamatay ng mga biktima ay lalong nakakabahala.

Download the file here: PDF file.
 
 
 
 

Advertisement

Customize